Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang magbitiw si dating DOH Secretary Teodoro Herbosa, pero hanggang ngayon, ang mga bakas ng kaniyang kawalan ng maayos na pamamahala ay patuloy na nagpapahirap sa ating sistema ng kalusugan.
Ayon sa pinakabagong ulat ng Commission on Audit (COA), pumalo sa higit P226.16 milyong halaga ng mga gamot at medical supplies noong 2025 ang tuluyang NA-EXPIRE at HINDI MAN LANG NAIPAMAHAGI sa mga nangangailangang mamamayan!
Isipin ninyo mga ka-Sampaguita, sa halip na makarating sa mga kababayan nating naghihirap sa mga pampublikong ospital, ang mga gamot na binili gamit ang ating buwis ay hinayaang mabulok at ma-expire sa mga bodega ng DOH! Susmaryosep!
At ang mas nakagagalit, sinabi ng COA na HINDI na ito bago. Paulit-ulit na lang itong nangyayari taon-taon! Dahil sa bulok na sistema sa warehouse monitoring at distribution, nagtapon tayo ng higit 200 milyong piso. Hindi lang ‘yan mga ka-Sampaguita, gumastos pa ang gobyerno sa pagrenta ng bodega at pagpapasweldo sa mga taong nag-aalaga sa mga na-expire na gamot.
Sabi nga ng COA, hindi pwedeng isakripisyo ang kalusugan ng taumbayan dahil lang sa kapabayaan at incompetency ng mga opisyal sa DOH.
Araw-araw, may mga kababayan tayong namamatay nang dahil lang sa walang pambili ng reseta. Pero sa kabilang banda, daan-daang milyong gamot pala ang inaanay at nabubulok lang sa mga bodega ng gobyerno.
Hindi sapat na nagbitiw na sa puwesto si dating Secretary Herbosa. Dapat may pormal na imbestigasyon at pananagutan!
Ang perang nanggaling sa buwis ng bayan para sa kalusugan ay dapat napupunta sa buhay ng mamamayan, hindi sa basurahan! Mga buset!
