Mas pinatindi pa ng Land Transportation Office – Negros Island Region (LTO-NIR) ang kanilang anti-colorum enforcement operations sa buong rehiyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at protektahan ang mga lehitimong transport operators.
Sa ilalim ng pamumuno nina OIC Regional Director Jeck D. Conlu at Assistant Regional Director Monico A. Puentevella Jr., nakapagtala ang LTO-NIR ng humigit-kumulang 60 huling colorum na sasakyan na pumapasada nang walang kinakailangang franchise o permit mula Enero hanggang Setyembre 30.
Sa kabuuang bilang ng mga nahuli, 54 dito ay mga passenger van habang 6 naman ang mga motorsiklo na sangkot sa ilegal na pampublikong pasada.
Ayon sa pamunuan ng LTO-NIR, napansin nila ang pagtaas ng insidente ng mga unauthorized public transport sa mga nakalipas na buwan, kaya’t tiyak na magiging tuloy-tuloy at walang kompromiso ang kanilang mga opsyon at huli sa kalsada.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga driver, vehicle owner, at operator na kumuha muna ng mga kinakailangang permit at authorization bago mag-alok ng pampublikong serbisyo sa transportasyon.
Hinihimok din nila ang publiko na i-report ang mga suspek na colorum sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO o sa pamamagitan ng kanilang mga official communication channels para sa mas ligtas at maayos na biyahe sa buong rehiyon. (MINA PADERNA)
