May 15, 2024

P1-M ALOK NI ATTY. ALEX LOPEZ SA MAKAKAPAGTURO SA ‘UTAK’ SA PAGPATAY KAY PERCY LAPID

Nag-alok na ng isang milyong piso na pabuya si Atty. Alex Lopez ng Maynila sa makapagtuturo ng utak sa pamamaslang sa brodkaster na si Percival Mabasa o mas kilala sa tawag na Percy Lapid. 

Kasabay ito ng pagkondena ni Lopez sa pagpatay sa itinuturing niyang kaibigan sa mahabang panahon. 

Kaugnay nito, umaapela si Lopez sa mga awtoridad sa mabilis na imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa mamamahayag. 

Naniniwala si Lopez, ang pamamaslang sa isang mamamahayag ay paraan ng mga salot sa lipunan upang hindi mailathala ang bulok na sistema. 

Sina Lopez at Lqpid ay dekada ng magkaibigan at nagtuturingan bilang mag kapatid. 

Pinaslang si Lapid kagabi sa Talon Dos Las Pinas City habang sakay ng kanyang Toyota Innova. 

Blanko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pagpatay gayundin sa makapagtuturo ng mga suspek.