May 15, 2024

103 na mga Junior Officers ng Philippine Coast Guard, nabigyan ng promosyon

ITINAAS ng Philippine Coast Guard ang ranggo ng 103 junior Coast Guard officers matapos ang simpleng seremonya na ginawa sa National Headquarters nito sa Port Area Manila kanina. 

Pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Artemio  Abu ang Donning at Oath Taking sa 24 Coast Guard member na may ranggo na Lieutenant Senior Grade at 79 na may ranggong Ensign. 

Sabi ni Admiral Abu, ang mga bagong promoted na mga Coast Guard officers ay idedeploy sa iba’t-ibang Coast Guard districts sa buong bansa. 

Umaasa rin siya, ang mga bagong opisyal na itinaas ang ranggo ay ibibigay ang kanilang dedikasyon sa tungkulin para tumulong sa bansa. 

Tiniyak naman niya na asahan na ang susunod pang mga batch para sa dagdag pwersa ng PCG.