May 16, 2024

Opisyal na! EDU MANZANO AT CHERRY PIE PICHACHE MAG-ON NA

Image: Instagram/@yescppicache

Kinumpirma na ni Edu Manzano ang relasyon niya sa aktres na si Cherry Pie Picache.

Ito’y matapos ang espekulasyon na nagde-date ang dalawa.

Inilahad ng aktor ang tunay na nanamamagitan sa kanila ni Picache sa isang text conversation kasama  si Cheryl Cosim, na ekskulisibong ipinakita sa “One Balita Pilipinas” noong Biyernes.

“How true?” tanong ni Cosim.

“You’re the funniest! Yes, my dear,” sagot ni Manzano.

Ilang beses pa tinanong ni Cosim ang aktor para tiyakin ang relasyon ng dalawa, na sinagot naman ng makailang ulit ni Manzano.

Una nang naghinala ang mga fans na may relasyon sina Picache at Manzano matapos makita ang larawan ng aktres na nakasandal sa balikat ni Manzano nang magtungo ito sa New York City kamakailan lang, na ipinost sa Instagram page ni Picache  noong Nobyembre 11.

Kasama rin nila noon ang radio host na si Tim Yap gayundin ang kapwa mga aktres na sina Janine Gutierrez at Arci Muñoz.