May 16, 2024

PAOLO CONTIS AT YEN SANTOS MAGKASAMA SA BIRTHDAY DINNER?

Image: Instagram/@ysantos

Nag-birthday ba si Yen Santos kasama ang aktor na si Paolo Contis?

Hinala ng mga fans na magkasama ang dalawa sa special day ng aktres matapos kumain ang dalawa ng dinner sa iisang lokasyon.

Nag-selfie kasi si Contis habang kumakain ng dinner na may twinkling lights at puting kurtina sa background, na makikitang ipinost sa kanyang Instragram Stories noong Nobyembre 20.

“Dinner time,” sa post niya, na may kasamang birthday cake emoji.

Samantala, nag-post din sa kanyang Instagram Story si Santos ng larawan kung saan makikita ang dinner setup para sa kanyang birthday.

Tampok sa nasabing larawan ang parehong ilaw at kurtina sa Instragram Story ni Contis.

Kaya hinala ng mga netizens na magkasamang ipinagdiwang ng dalawa ang birthday ng aktres.

“Napakaobvious na, Paolo Contis at Yen Santos,” ayon sa isang @janniahfajardo. “Paolo [and] Yen – Dinner as a friend!” saad naman ng isang @BeautifullyNani quipped.

Matatandaan na itinanggi ni Paolo na si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes nitong taon lamang.