May 18, 2024

NO. 2 SA TOP 10 DRUG PERSONALITIES NG NPD, NASAKOTE

ARESTADO ang pangalawa sa Top 10 drug personalities ng Northern Police District matapos makumpikhan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Aisiah Kervin Ko, alyas Aivin Ko, (Watchlisted/Surrenderee), 32, ng No.149 9th Avenue West Grace Park Brgy. 59.

Ayon kay District Drug Enforement Unit (DEEU) Chief P/Capt. Ramon Aquiatan Jr, nakatanggap sila ng maraming reklamo hinggil sa talamak na pagbebenta ng suspek ng illegal na droga sa kanyang mga parokyano sa Brgy. 63 at kalapit na mga barangay kaya’t isinailalim ito sa monitoring.

Nang makumpirma ang ulat, agad nagsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Aquiatan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Giovanni Hycenth Calaiao I ng buy-bust operation kontra sa suspek sa 111 Centro St., 9th Ave. Brgy 63, dakong alas-9:30 ng gabi kung saan isang undercover police ang nagawang makabili kay Ko ng P12,000 halaga ng shabu.

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Ko matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu.

Nakumpiska sa suspek ang aabot sa aabot sa105 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P714,000.00, isang P1,000 bill na nakabugkos sa 11 pcs P1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at sling bag.