May 12, 2024

Nitong bisperas ng Pista ng Cainta… TRABAHANTE NG UKAY-UKAY PATAY SA KUYOG NG MGA TINDERO NG TIANGGE

Patay ang isang lalaki matapos kuyugin ng mga tindero ng tiangge nitong bisperas ng pista ng Cainta, Rizal.

Sa video na ipinasa sa atin ng concerned citizen makikita ang ginawang pagkuyog ng mga tindero sa tiangge sa isang lalaki sa tabi ng Puregold sa Parola Street sa A. Rodriguez Avenue sa naturang bayan.

Mapapanood pa na pinalo pa ng isang matigas na bagay ang walang malay na biktima, bago tumakas ang mga nambugbog.

Sinubukan din buhayin ng mga rescuers ang nakabulagtang biktima pero idineklarang dead on arrival pagdagting sa ospital.

Nakita rin ang malalaking bato sa tabi ng biktima na pinaniniwalaang ginamit na pananakit sa kanya.

Nangyari ang pambubog sa hilera ng tiangge noong bisperas ng pista ng Cainta.

Ayon sa mga saksi, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima, na nagtatrabaho sa ukay-ukay, at sa mga vendor noong bisperas ng pista ng Cainta.

Hinahanap na ng pulisya ang mga suspek sa nangyaring pambubugbog.

Matatandaan na noong 2019, nang mamatay ang mag-asawa na nagtitinda ng overruns t-shirt matapos pagbabarilin at tangayin ang kinita ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa kasagsagan din ng pista ng Cainta.