May 13, 2024

2 PARAK TIGOK SA AMBUS SA PAMPANGA

MABACALAT CITY, PAMPANGA –  Patay sa nangyaring ambus ang dalawang pulis ng pagbabarilin ng limang hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo na hindi naplakahan bandang 3:30 ng madaling araw nitong sabado sa kahabaan ng South Daang Bakal Road, Barangay Dau, ng nabangit na bayan.

Kinilala ang mga nasawing pulis na sina Police Staff Master Sargeant Sofronio C. Capitle Jr. at si Police Staff Sargeant Dominador V. Gacusan Jr., na parehong miyembro ng Mabalacat City Station Drug Enforcement Unit (SDEU)

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Mabalacat City Police Station sakay ng isang motorsiklo ang dalawang biktima galing sa kanilang trabaho sa anti-illegal drugs operation ng sundan at pagbabarilin ng mga suspek na nakasuot ng long sleeves at mga bonnet, agad na tumumba sa lupa ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima dahilan para muling paputokan ng mga suspek ng malapitan sa kanilang mga ulo ang dalawang pulis na agad din binawian ng buhay.

Nagsasagawa na ngayon ng follow up at forensic and technical investigation ang mga otoridad at ang Scene of the crime operatives o SOCO at inaalam na din ngayon kung may kinalaman sa trabaho ng mga biktima ang nangyaring pamamaslang. (KOI HIPOLITO)