May 19, 2024

NIA-IA CONGRESS SA ILOCOS NORTE, NAGING MATAGUMPAY

Naging matagumpay ang Irrigators Association (IA) Congress sa Ilocos Norte na isinagawa ng NIA-Region 1.

Layunin ng aktibidad na palakasin at patatagin ang ugnayan ng National Irrigation Administration (NIA) sa mga IA.

Naging keynote speaker si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda sa nasabing aktibidad.

Nagsilbi ang NIA-Congress bilang venue para sa kolaborasyon ng iba’t ibang stakeholder na maghahatid ng suporta sa IA patungo sa sustainable agricultural development at rice self-sufficiency.

Kasama rin ni Administrator Benny Antiporda sina Ilocos Norte Governor Mattew Marcos Manotoc at Batac City Mayor Albert Chua sa nasabing aktibidad.