May 19, 2024

Libreng pagsasanay sa theoretical driving, handog ng LTO NCR – East

PATULOY na maghahatid ng libreng theoretical driving course at practical driving course ang Land Transportation Office (LTO) National Capital Region – East para sa publiko.

Ayon kay Pamela Gervasio ng LTO NCR-East, ang pagbibigay serbisyo na ito ay binibigyang prayoridad ang mga higit na nangangailangan tulad ng mga indibidwal na kulang sa pinansiyal na kapasidad at mga walang trabaho.

Dagdag pa ni Gervasio, layunin ng pagsasanay  na mapalawig ang bilang ng mga responsableng drayber upang makamit ang maayos na kalsada, ligtas at may seguridad.