April 30, 2024

New born baby girl ni Gasol, ipinangalan kay Gianna Bryant

Binigyang pugay ni NBA star Pau Gasol ang pamilya ng yumaong Lakers star Kobe Bryant. Ito’y sa pamamagitan ng pagpapangalan ng newborn daughter nito kay Gianna Bryant.

https://www.instagram.com/p/CFFxFK9gxSR/?utm_source=ig_embed

Katunayan, ipinost ng dating Lakers star sa social media ang larawan ng kanyang bagong silang na misis na si Catherine McDonnell.

Ang babaeng sanggol ay pinangalanan nilang Elisabeth Gianna.

 “Our little one has finally arrived!! The delivery went really well and we couldn’t be happier!!

“Elisabet Gianna Gasol, a very meaningful name for our super beautiful daughter!! #girldad,” post ni Gasol.

Aniya, ang middle name ng kanyang anak ay tribute sa anak ng dating teammate sa Lakers na si Gianna.

Kasama ni Kobe ang dalagita na nasawi sa helicopter crash noong January.

Ang balo naman ni Kobe na si Vanessa ang godmother ng newborn baby. Si Gasol at Kobe ay naging magkakampi sa Lakers noong 2008-2014.

Samga panahong ito, nakasungkit sila ng 2 championships (2009-2010). Kahit lumipat na sa ibang team si Gasol, nananatili ang pagkakaibigan nila ni Bryant.