May 21, 2024

Mark Nonoy at Deo Cuajao, lilipat sa DLSU Green Archers

Nagpaalam na sina Mark Nonoy at Deo Cuajao sa UST men’s basketball team. Kinumpirma kasi ng ex-Growling Tiger’s players ang ulat na lilipat sila sa La Salle.

Sa isang social media post,nagpasalamatang dalawa sa UST sa pagbibigay ng oportunidad sa kanila. Gayundin ang maging kinatawan ng paaralan sa UAAP men’s basketball.  

Pinasalamatan din nila si former UST coach Aldin Ayo at ang coaching staff nito. Nagresigned si Ayo dahil sa Sorsogon training bubble controversy.

Inihayag ng sources na ang dalawa ay opisyal nang magiging Green Achers.

 “I’m very thankful sa lahat ng coaching staff lalong-lalo na po sa kay Aldin Ayo na nagtiwalang kumuha sakin mula sa province to Manila at nagbigay sakin ng kumpiyansa pagdating sa court at sa pagguide niya sa akin kahit off the court upang maging mabuting tao,”  saad ni Nonoy sa Instagram post.

“Ang dami kong natutunan sa kanila at minolde nila ang aking pagkatao,”  turan naman ni Cuajao.