May 17, 2024

MOVIE AT TELESERYE MUNA BAGO MAGPABUNTIS SA ASAWA

Focus muna si Heart Evangelista ngayon sa kanyang showbiz career. Kung magiging normal na ang lahat, priority niya muna ang gumawa ng pelikula at teleserye. Tsaka na muna raw ang tungkol sa baby. Darating naman daw sila ni Chiz Escudero doon.

“I set [acting] aside for a bit but right now, I don’t think I mind doing another soap or maybe doing another movie before I plan to really get pregnant and do what I need to do,” pahayag pa ni Heart.

Pero mukhang matatagalan pang makabalik sa totoong normal condition ang Pilipinas, dahil hanggang ngayon nga ay patuloy pang tumataas ang bilang ng COVID-19 cases. Okay lang kay Heart, dahil busy na rin siya sa pagtulong at iyon muna ang kanyang pinagkakaabalahan.