Natatawa lang si veteran journalist Mon Tulfo sa kumakalat na balitang may isang senador umanong nag-alok ng P250,000 sa isang “artista kuno” kapalit ng umano’y indecent proposal — at ang itinuturong posibleng sangkot ay ang kapatid niyang si Sen. Raffy Tulfo.
Nag-post si Mon sa Facebook matapos kumalat online ang panayam kay VMX actress Chelsea Ylore, na nagkuwento na binigyan siya umano ng P250,000 hanggang P300,000 bilang tip ng isang senador kahit wala raw nangyaring “intimate encounter.” Binanggit din umano ng aktres na ang pangalan ng naturang mambabatas ay may mga letrang “R,” “Y,” at “F.”
Pero ayon kay Mon na hindi siya naniniwala sa tsismis.
Ayon sa kanya, “takusa” si Raffy o takot sa misis nitong si ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo, kaya malabong masangkot ito sa naturang iskandalo.
“Pero pagpalagay na nating totoo: Eh ano ngayon kung nambabae siya?” ayon pa kay Ramon, sabay patama na ang tunay na nakakahiya ay kung “nanlalake” ang isang mambabatas — na hindi umano si Raffy — at aniya’y “mahilig sa mga basketbolista.”
Iginiit pa niya na kung sakaling may katotohanan ang usapan, hindi ito kaila sa personalidad ng senador dahil kilalang galante si Raffy, na madalas mamigay ng malaking halaga sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action.
“Sa kanyang bulsa nanggagaling ang pera,” sabi ni Ramon, na inihalintulad pa ang kapatid sa pagiging galante umano ni Willie Revillame.
Dagdag pa niya, bago pa man maging senador at congresswoman sina Raffy at Jocelyn, mayaman na umano ang mag-asawa. Binanggit pa niya na ang kanilang combined SALN ay nasa P1 bilyon, taliwas daw sa ibang politiko na mababa ang deklarasyon.
“Don’t you appreciate their honesty?” ani Ramon.
Nagbiro rin si Ramon na kung siya raw ang napabalita na gumawa ng indecent proposal, “kapani-paniwala pa,” sabay tawa at pagbanggit na sa edad niya ay “tumatayo pa raw si manoy.”
Sa huli, sinabi niyang kung siya raw ang may pera gaya ng kapatid, “Miss Philippines material” ang pipiliin niya — kasabay ng pagbanggit sa mga larawan na umano’y kasama sa kanyang post.
Wala pang opisyal na pahayag si Sen. Raffy Tulfo hinggil sa kumakalat na isyu.
