May 19, 2024

MMA fighter Conor McGregor, nagparamdam na babalik sa octagon

Nagparamdam si ex-UFC champ Conor McGregor na babalik siya octagon. Katunayan, nagpahaging siya sa post ni Nick Diaz na balak ding bumalik sa UFC.

Nagreply si McGregor ng: ‘Line them up” kaugnay sa post na larawan ni Diaz kasama ng kapatid na si Nate.

Huling lumaban si Diaz sa UFC noong 2015. Kung saan nakaharap nito si Anderson Silva na nagresulta sa no contest.

Pareho kasing nagpositibo sa banned substance ang dalawang fighter. Hinuha ng iba, nasa radar ng 32-anyos na si McGregor ang 37-anyos na si Nate Diaz.

Naglaban noong 2016 si McGregor at Diaz sa 168 lbs. welterweight showdown, kung saan nagwagi ang una.

Lumabo naman ang posibleng rematch nito kay Khabib Nurmagomefov. Ito’y matapos na sabihin ng Russian fighter hinsi siya interesadong labanan ang old rival.