May 19, 2024

Ayon kay Kurt Angle; Brock Lesnar, maaaring manatili sa WWE kung di uubra rito ang offer ng AEW

Pinahayag ni Kurt Angle na pwedeng mananatali si ex-Universal champion Brock Lesnar sa WWE. Maliban na lamang kung babayaran siya ng All Elite Wrestling (AEW) ng £15.5 million ($20.65 million dollars).

Ibinulalas ng 43-anyos na si Lesnar na maaari siyang magpalit ng promotion. O kaya’y bumalik sa UFC kapag natapos na ang kontrata sa WWE.

Ngunit, para kay Angle, magre-re-sign ang kanyang ex-screen rival at close friend sa WWE. Kung saan, kumikita ng $10 milyon kada taon dito si Lesnar.

Maaaring mapunta sa AEW si Lesnar kung mapapantayan nito ang kanyang sahod sa WWE.

“I cannot see him going to another company, unless Tony Khan wants to pay him $10-20 million.”

“[WWE], obviously, they’re not going to let him go,” ani ng 51-anyos na si Angle.

Brock’s pretty level headed. He doesn’t get in any trouble. So there’s no reason to fire the kid.”

He’s a tremendous athlete, a tremendous employee. So I think Brock just got tired of doing it.”I don’t know if he wants to fight again. I don’t know if you want to go to another company,” aniya.