May 21, 2024

MISTER KINASUHAN DAHIL SA PAGSAKAL SA KANYANG MAY SAKIT NA ASAWA

AMINADO ang isang lalaki sa Southern Utah na tinangka niyang patayin ang kanyang may sakit na asawa dalawang taon na ang nakalilipas, at ngayon ay nahaharap sa kasong attempted murder.

Hindi malinaw kung bakit ngayon lang isinampa ang kaso gayung dalawang taon na ang nakalilipas matapos mamatay ang kanyang misis na si Arenda.

Gayunpaman, kinasuhan ng attempted murder ang mister nito na si DeWayne McCulla, 45, ng Hurricane. Ayon sa pulisya, nag-confess si McCulla na sinakal niya ang kanyang asawa, para hindi na makahinga.

Sa isang affidavit, iniulat ng mga kaanak na nangyari ang pananakal ni McCulla sa kanyang asawa noong Disyembre 20, 2021, habang siya ang nasa hospice care.

Ayon sa report, nag-report ang anak ng babae sa pulisya noong 2022 kaugnay sa naging aksyon ni McCulla.

Nabanggit din ng anak na bago ang pananakal, nagkaroon pa raw ng pagtatalo si McCulla at ang kanyang lola at nag-away kaugnay sa buhay ng kanyang ina, nanauwi sa sigawan. “Nagpahayag din siya ng mga pagnanais ng iba pang mga paraan upang wakasan ang kanyang buhay na nakita kong kahina-hinala dahil ang kanyang kagustuhan ay maihatid siya sa … Oregon,” ayon sa anak.

Bukod pa rito, ibinunyag din ng anak na ang kanyang ina at si McCulla ay may dati ng marital problems, kasama na rito ang buwan na humantong sa kanyang initial na cancer diagnosis.


“The loss of my mother and the traumatic event surrounding it left quite an imprint on my psyche as DeWayne was manipulating things behind the scenes, using guilt,” saad niya.