May 18, 2024

MISIS NI TERRENCE ROMERO, INARESTO NG PNP-HIGHWAY GROUP

Inaresto ang asawa ni Terrence Romeo ng San Miguel Beermen nitong nagdaang weekend. Ito ay ayon sa Philippine National Police-Highway Patrol Group.


Ayon sa ulat, inaresto si Beatrice Pia White Espina sa kasong estafa. Napag-alaman na gumagamit pa ito ng fake names at technical carnapping. Natimbog si Espina at co-hort nitong si Ecel Reyes sa ikinasang entrapment operation ng PNP-HPG. Ito’y matapos na humingi ng P80,000 mula sa car owner upang maibalik ang kotse nito.


Hindi lang ito ang unang beses na nasangkot si Espina sa Estafa cases. Marami pa uamnong complaints sa kanya dahil sa di pagbabayad ng utang. Nalantad ang insidenteng ito matapos iulat ni showbiz columnist Cristy Fermin na hiwalay na si Espina at si Romeo.