
SA isang Misa ng Pasasalamat sinimulan ang pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Navotas, bilang pagbibigay ng pasasalamat sa Panginoon sa Kanyang paggabay sa lungsod sa nagdaang taon. Ang misa ay pinangunahan nina Rev. Fr. Silverio Mutia, Rev. Fr. Francis Sarmiento, Rev. Fr. Ofero Stephen Balana, Rev. Fr. Elpidio Erlano, at Rev. Fr. Vincent Pham na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, mga opisyal ng barangay, mga miyembro ng Schools Division Office at Senior Citizens Associations. (JUVY LUCERO)
