April 28, 2024

MILWAUKEE BUCKS, SINUWAG ANG ATLANTA HAWKS SA GAME 2 NG ECF, 125-91

Rumesbak ang Milwaukee Bucks sa Atlanta Hawks sa Game 2 ng Eastern Conference Finals. Sinuwag ng Bucks ang Hawks sa iskor na 125-91.

Nanguna sa opensa ng Bucks si Giannis Antetokounmpo na gumawa ng 25 points, 9 bords at 6 assists. Nag-ambag naman si Jrue Holiday ng 22 points, 7 assists at 2 boards.

Si Brook Lopez naman ay kumana ng 16 points at 3 steals. Habang si Khris Middleton ay bumira ng 15 points, 7 boards at 8 assists.

Sa panig naman ng Hawks, bumanat si Trae Young ng 15 points, 2 boards at 3 assists. Sa umpisa ng laro, nakakasabay pa ang Hawks.

Pero, naiwanan sila ng Bucks at tinambakan ng mahigit sa 30 points sa second quarter. Napanatili ng Bucks ang magandang opensa at depensa.

Kaya, namantina nila ang malaking lead. Na tangan-tangan hanggang fourth quarter. Tinapos ng Milwaukee ang regulation na may bitbit ng 34 point- lead.