May 3, 2024

60% FRONTLINE WORKERS NABAKUNAHAN SA ONE-STOP-SHOP SA NAIA

NAIA – Umabot na sa 60% ang vaccinated mula sa 5 batch na vaccination sa mga kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na isinagawa dito sa NAIA terminal 4.

Target ng One Stop Shop ang higit sa 8 libong manggagawa mula sa MIAA, DFA, OWWA, PCG, BOQ, Customs, Immigration, OTS, at iba pang ahensya ng gobyerno.

Sa datos ng MIAA ng media affairs office umabot na sa 5,000 ang nakatanggap ng kanilang 1st kung saan target ang higit 8 libong miyembro ng One Stop Shop bago matapos ang buwan ng June.

Sa June 30 kasi ay naka-schedule na para sa 2nd dose ang mga nakatanggap ng 1st dose ng Covid-19 vaccine noong June 3.

Sa ngayon medyo kakaunti palang ang nakapila na magpabakuna sa harapan nitong arrival area ng NAIA terminal 4 kung saan inaasahan ang pagdagsa ng ilang mga empleyado mamaya para sa kanilang 1st dose ng COVID-19 vaccine.