May 18, 2024

MIGGS CUADERNO, ‘DI RAW BAKLA KAYA WALA RAW SIYANG ILALADLAD

KUNG hindi ninyo kilala si Miggs Cuaderno, mapagkakamalan niyo siyang gay. Award winning bagets si Miggs, kaya minamani lang niya ang role na bading tulad sa ‘Prima Donnas.’

Sa ‘Unlocked’ Anthology ang ginagampanan niyang role ay si Neo na ang parents ay mga frontliners. Si Omar naman ay ginanap ni Saviour na anak ni Wendell Ramos at may kissing scene sila dito.

“Nuong una tinanggihan ko, parang hindi ko kasi kaya. Sinabi ko rin po sa mommy ko. Natawa nga si direk pero dahil ipinaliwanag niya sa akin at na-convince na rin nila ako. Ako naman po, kilala ko naman ang sarili ko, at lalaki po ako at wala po akong ilaladlad.

“Sabi nga po ni Direk Joel Lamangan sa akin, ang mahusay na actor daw lahat nang role ay kayang gampanan at naja-justify sa pamamagitan nang pag-arte. Pero okay naman po ang kinalabasan. Hayun nagustuhan naman po nilang lahat,” kwento pa ni Miggs.