May 1, 2024

Auto electrician kinatay ng magkakarne

NASAWI ang isang auto electrician matapos haliwahin ng saksak sa katawan ng isang magkakarne sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Wilfredo Lasin, 58 ng 40 Javier II, Brgy. Baritan.

Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, naaresto naman sa follow-up operation ng mga tauhan ng Sub Staion 6 ang suspek na si Jerwin Lorenzo, 33, butcher ng Luna II St. Brgy. San Agustin at narekober ang ginamit na patalim.

Sa imbestigasyon ni PSSg Jose Romeo Germinal II, alas-8:50 ng gabi, nakaupo umano ang biktima sa Luna II St. nang dumating ang suspek na armado ng kitchen knife at walang sabi-sabi hinalihaw ng saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan si Lasin.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima ng saksi na si Mirasol Tolentino, 31, sa naturang pagamutan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pananaksak sa biktima na ikinamatay nito.