May 14, 2024

JANE DE LEON, ‘DI NA UMAASANG MATUTULOY PA ANG DARNA MOVIE N’YA

UMURONG na ang ABS-CBN sa kanilang ‘Darna’ movie. Bukod sa laki nang gastos nito, hindi na nila kakayanin pang ituloy dahil nagsara na nga ang kanilang TV station.

“Nalungkot talaga ako, dahil kanila nang ipinatigil ang ‘Darna’ movie. Wala naman kaming magagawa, dahil nagsara na nga ang aming Kapamilya TV network. Ang mahalaga sa ngayon ay safe kaming lahat,” salay sa pa ni Jane de Leon.

Kung kailan daw ito muling magbubukas, ay hindi na muna sila umaasa. Basta ang mahalaga kay Jane ngayon ay ang mapanatiling safe siya at malayong madapuan ng COVID-19.