May 2, 2024

MGA JANITOR SA TAYTAY, RIZAL HINDI PINAPASAHOD NG AGENCY

Nanawagan ang mga janitor ng CleanerMen Inc. kay Taytay Mayor Allan de Leon upang humingi ng tulong dahil sa hindi pagpapasahod ng kanilang agency.

Anila, magdadalawang buwan ng hindi pinapasahod ang mga janitor ng naturang agency.

“Ako po ay lumalapit sa inyo (Mayor Allan de Leon) upang humingi ng tulong sa inyo dahil ang aming agency hindi pa po kami pinapasahod hanggang ngayon bali magtatatlong Cut off na po kami Mayor Allan,” ayon sa Facebook post ni Michael Buere.

Umaaray na ang mga janitor ng nasabing agency dahil nagkabaon-baon na sila sa utang.

“Dahil sa bulok na sistema ng agency namin sa ngayon po ako po ay nagtratrabaho sa Taytay emergency hospital mag-u-Undas na po hindi pa kami pinapasahod ng agency naminsobra na po ginagawa nila sa mga tauhan marami papo kami hindi nila pinapasahod kawawa na po ang aming pamilya dahil umaasa na may maiiuwi kaming sweldo para mayroon kaming ipangbili ng bigas at ulam at tsaka pang bayad sa tubig at kuryente,”  dismayasdong pahayag ni Buere.

“Ako lang po ang naglakas ng loob na manghingi ng tulong sa mahal nating Mayor Allan de Leon kung hindi pa kami hihingi ng tulong patuloy pa rin kami hindi papasahorin,” dagdag pa niya.