September 9, 2024

MGA DATING MIYEMBRO NG GABINETE NI ARROYO, AQUINO AT DUTERTE NAG-REUNION SA INILUNSAD NA 2GO SHIP

NAGSAMA-SAMA bilang “unity team” ang mga dating miyembro ng Gabinete ng administrasyong Arroyo, Aquino at Duterte para sa inilunsad na bagong passenger ship ng 2GO company na pagmamay-ari ng Sy-lead SM group.

Karamihan sa mga dating opisyal ng gobyerno ay nakahanap ng trabaho sa SM conglomerate, na magsisilbi sa boards o sa advisory capacities.

Ibinahagi sa social media ni Elena Bautista-Horn, malapit na kaibigan ni dating Pangulong Gloria Arroyo, ang snapshots ng reunion ng dati at kasalukuyang government officials na may caption na “unity team.”

Nagkomento pa si Bautista-Horn, dating Presidential Management Staff chief at ngayon ay vice president for corporate affairs ng SM Prime Holdings Inc. na, “were all friends and enjoying 2Go MV Masigla.”

Kabilang sa mga namataan na ex-Aquino Cabinet officials ay sina dating Executive Secretary at ngayon ay 2GO board director Paquito Ochoa Jr. at dating Presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Kasama rin ni Bautista-Horn ang dating mga kasamahan sa Gabinete ni Arroyo na sina Trade Secretary Gregory Domingo at dating Labor Secretary Marianito Roque. Domingo na magsisilbi bilang adviser ng SM Investments Corp. (SMIC).

Pasok din sa 2GO affair si Ramon Lopez, dating Trade Secretary noong administrasyong Duterte. Magsisilbi siya bilang independent director ng SMIC.

Dinaluhan ang nasabing paglulunsad ni First Lady Liza Marcos, na mainit na tinanggap nina Terista Sy-Coson, chair ng SM Investment Corporation at Enrique Ramon Jr., chairman at CEO ng ICTSI.

Kasama ng First Lady ay si Tourism Promotions Board Philippines chief operating offer Marga Nograles. Si Marga ay asawa ni dating Duterte Cabinet Secretary at ngayon ay Civil Service Commission head Karlo Nograles.