May 20, 2024

NORA AUNOR, GAGANAP SA BUHAY NG 100 YEARS OLD NA SI APO WHANG OD BIOMOVIE

KUNG matutuloy ngayong taong 2024, ay uumpisahan na ni National Artist Nora Aunor ang Biomovie ni Apo Whang Od, ang sikat na oldest tattoo artist, na minsan ay naging cover magazine na Voque at nag-trending sa social media.

Kapag natuloy, tiyak na pansamantala munang titira si Superstar Nora Aunor sa Buscalan, Kalinga para kilatisin ang bawat detalye ng buhay ng naturang ‘mambabatok.’

Kilala si Apo Whang Od na mahilig mangdakma ng yagbols ng mga nagpapa-tattoo sa kanya, isa na nga riyan si si Piolo Pascual.

E ang tanong, gagawin rin kaya ito ni Nora sa eksena? Abangan…

Sabi pa ni Miss Bubuwit na aking source, kaya naman daw ni Nora ang mga eksena basta huwag lang takbuhan dahil may edad na rin ang lola n’yo. Tiyak daw na magtataasan na naman ang kilay ng mga bashers. Nakupo!