May 20, 2024

‘Di puwedeng gayahin si Quiboloy… DIGONG TATAKAS – TRILLANES

MAY palagay si dating Senator Antonio Trillanes IV na tatakas si dating Pangulong Rodrigo Duterte para magtago sa ibang bansa kapag inilabas na ng International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest laban sa huli.

Ayon kay Trillanes malabong magtago si Duterte sa Pilipinas katulad ng kanyang kontrobersiyal na kaibigan na si Pastor Apollo Quiboloy. “Palagay ko itong si Duterte baka lumipad ng ibang bansa ‘yan kasi hindi puwedeng gayahin niyan si Quiboloy dahil may entourage ‘yan malo-locate kaagad ‘yan, may magtitimbre dyan,” saad niya.

Inaasahan ni Trillanes na maglalabas ang ICC ng arrest warrant laban kay Duterte sa Hunyo o Hulyo ngayong taon.

Nahaharap ang dating Pangulo sa reklamo dahil sa umano’y crimes against humanity kaugnay sa giyera kontra droga ng kanyang administrasyon.