Nasa 900 engineering students mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) ang nakakuha ng mga valuable insights tungkol sa patuloy na umuunlad na power industry sa ginanap na PowerConvos, isang lecture series ng Meralco Power Academy (MPA).
Layunin ng naturang activity na i-prepare ang mga future energy professionals sa mga demand at pagbabago sa sektor ng enerhiya.
Inorganisa ito ng energy education institution na pinamumunuan ni Manuel V. Pangilinan, kung saan nagbahagi ang mga industry experts ng kanilang perspectives ukol sa mga challenges, opportunities, at mga kailangan na skills ng mga aspiring engineers.
Naging speakers noong nakaraang Setyembre ang mga One Meralco leaders mula sa distribution utility, retail electricity supply, at power generation businesses.
Bukod sa career guidance, layon din ng PowerConvos na magturo ng core values tulad ng resilience, adaptability, at passion sa trabaho. Sa pamamagitan ng mga tunay na karanasan ng mga industry practitioners, natuto ang mga estudyante ng mga practical lessons sa pag-navigate mula sa classroom patungong workplace.
Binigyang-diin ni MPower Senior Vice President and Head Redel Domingo ang kahalagahan ng character kasabay ng academic achievement: “Your grade measures how you took a test on a day. Your character measures how you solve the problems when no one gives you the formula,” pahayag niya.
Ibinahagi naman ni MGreen President and Chief Executive Officer Dennis Jordan na isa sa mga highlights ng kanyang career ay ang pamumuno sa MTerra Solar—ang pinakamalaking integrated solar PV and battery facility sa bansa na tinawag niyang isang malaking engineering feat.
Sinabi rin ni Meralco Vice President and Deputy Head of Integrated Asset Management Ma. Cecilia Domingo na ang edukasyon at disiplina ang susi sa paghubog ng mga competitive energy professionals: “Real-life situations can be challenging, but our discipline should have equipped us to face those challenges.”
Sa pamamagitan ng PowerConvos at patuloy na partnerships nito sa mga academic institutions, nananatiling committed ang MPA na i-bridge ang gap sa pagitan ng edukasyon at ng industriya upang ihanda ang mga susunod na leaders ng energy sector sa bansa. (MINA PADERNA)
