May 16, 2024

MAYOR SARA DUTERTE, YEN, AJ AT PRESIDENTIAL ASPIRANT LENI ROBREDO, BIG 4 SA GOOGLE PH

Napabilang sina Davao Mayor Sara Duterte, Yen Santos, AJ Raval at VP Leni Robredo sa ‘Big 4’. Sila ang Google PH most-searched personalities. Kabilang din sa listahan si beauty queen Rabiya Mateo, olympic gold medalist Hidilyn Diaz at 8 pang celebrities.
Ito’y sina American singer Bella Poarch at Olivia Rodrigo.

Gayundin si HoYeon Jung ng ‘Squid Game’ at Miss Universe 2021 Olivia Culpo. Si Culpo ang nag-host ng 2020 Miss Universe Pageant.
Talk of the town kasi sila dahil sa ilang rumors at balita kaugnay sa kanila.

Mabenta ang pangalan ni Yen dahil sa break-up nina Paolo Contis at LJ Reyes. Na sinasabing siya ang third party. Si AJ naman ay third party sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Bukod dito, naging abenta rin siya sa social media.


Umugong naman ang name ni Inday Sara dahil sa usaping politika. Gayundin si VP Leni Robrero. Ka-tandem ni BBM si Sara bilang VP sa 2022 national elections. Habang sa posisyong presidente naman ang rinatakbuhan ni VP Robredo.