May 2, 2024

ELLEN ADARNA, NAPAG-UUSAPAN NA PREGGY NA

May tsika na nagdadalang-tao na raw si Ellen Adarna courtesy ng kanyang mister na si Derek Ramsay. Nagdiwang kasi ang kanyang kaarawan si Derek kamakailan. Siyempre, si Ellen ang pasimuno ng sorpresa para mapasaya ang kanyang husband. Bale 45 year old na si Derek.


Biro tuloy ng ilan, preggy na ba ang actress? Kasi parang may baby bump naraw si Ellen. ‘Yan ang litanya ni Manay Cristy Fermin sa biruan. Banat ni Derek, gusto raw nito ng boy na baby.


May sitsit pa nga na boy daw talaga dinadala ni Ellen. ‘E kasi naman, nagviral ang video ng wish ni Derek about this. Kaya, doon na nagsimula ang rumors na buntis si Ellen. O plano pa lang nilang magka-baby? Well, sabi nga ng akto, abangan na lang daw.