May 18, 2024

FORMER NBA PLAYER JOE SMITH, SINILABAN NG ASAWA

Natatandaan n’yo pa ba ang 1995 no. 1 overall pick ng NBA player noon na si Joe Smith? Si Smith ay naglaro sa Minnesota Timberwolves, Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers ,Atlanta Hawks at Los Angeles Lakers. Magaling na player si Smith, kaso tumamlay ang kanyang career dahil sa kinasangkutang iskandalo.

Gaya ng kahinaan ng ibang NBA players, hindi nakaiwas si Smith sa pambabae gayung may-asawa na siya sa katauhan ni Yolanda. Noong naglalaro pa siya sa NBA, madalas isama ni Smith ang asawa.

Pero, kalaunan, hindi na kasi may ibang kasama ang kelot na actress model na si Deanna Marie. Pero, hindi nakontento ang lalaki kay Marie. Natuklasan din nito na may iba pang kinahuhumalingan si Smith. Nang mahuli, kinuhanan niya ng litrato at ipinadala sa misis ng NBA player.

Kaya naman, isang gabing nahihimbing ng tulog sa kanilang silid ang mag-asawa. Binuhusan ng lighter fluid ng babae ang hinihigaan ng kelot at sinindahan ayon sa ulat ng Media Take Out at Larry Brown Sports. Kung kaya, nasunog ang hinigaan pati si Smith. Nakaligtas ang player pero iniwan ng esposa. Kaya lang daw nagawa iyon ni Yolanda dahil sa ginagawang kalokohan at pambabae sa kanya ng mister.