May 18, 2024

Matt Evans arestado sa pambubugbog sa ex-GF

ARESTADO ang aktor na si Matt Evans o Matthew Evans Nicolas sa totoong buhay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.”

Ang kaso ay inihain laban kay Evans ng dati niya live-in partner na si Johnelline Hickins.

Ayon sa Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), dakong alas-11:30 ng umaga noong Hulyo 31 nang arestuhin ng police team na binubuo nina of  P/Executive Master Sgt. Manuel Aceveda, P/SMS Rem Sychangco P/MSG June Ricohermoso at P/SSG Albert Acevedo ang aktor sa loob ng kanyang bahay sa Lacson Avenue sa Sampaloc, Manila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasig Reional Trial Court (RTC) Branch 12 Judge Carmencita Lacandazo Logan.

Inirekomenda ng korte ang piyansang P36,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Evans.

Si Evans ay nanatili sa kustodiya ng WSS at hindi pa naglalagak ng piyansa.

Ang aktor ay kasalukuyang kasal sa businesswoman na si Riza Katrina Evans. Nagsimula ang kanyang career sa TV reality show na ‘Pinoy Big Brother’ at nakilala sa iba’t ibang pelikula gaya ng “Da Adventures of Pedro Penduko”, “Tanging Yaman” at “Rosalka”.