Larawan mula kay Ruby Bañares Victorino
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang makasaysayang pagdiriwang ng ika-50 Philippine National Prayer Breakfast (PNPB) na ginanap ngayong taon, kung saan muling nagtipon ang mga lider mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang sama-samang manalangin para sa bansa.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo na ang pananalangin para sa bayan ay higit pa sa tradisyon dahil ito ay isang gawaing sumasalamin sa pagkakaisa, pag-asa, at pananampalataya ng mga Pilipino.
Itinatag ang PNPB limang dekada na ang nakalilipas at mula noon ay nagsilbing plataporma para sa mga opisyal ng pamahalaan, mambabatas, religious leaders, at iba pang kinatawan ng lipunan na humingi ng gabay ng Diyos sa gitna ng mga hamon ng bansa.
Ang makasaysayang golden anniversary ng PNPB ay itinuring na simbolo ng patuloy na pag-asa ng sambayanang Pilipino na ang sama-samang pananalangin ay magsisilbing gabay tungo sa pagkakaisa at mas maliwanag na kinabukasan para sa Pilipinas.
