May 19, 2024

MARCOS KAY EJ OBIENA: GALINGAN SA PARIS OLYMPICS

Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang tagumpay ni Filipino pole-vaulter EJ Obiena sa gaganaping 2024 Summer Olympics sa Paris.

“We look forward to the games in Paris. I hope you do well,” saad ni Marcos Jr kay Obiena nang mag-courtesy call sa Malacañang.

Tiniyak din ng Pangulo na patuloy ang ibibigay na suporta sa hinahangaang pole vault athlete, na nakapaguwi ng gintong medalya sa 26th Internationales Stabhochsprung-meeting sa Jockgrim, Germany.

 “If there’s anything that we can do to help you na maging mas maganda ang inyong resulta at mas maganda maging training lahat ng ano sabihin ninyo sa akin dahil eh napakahalaga ng iyong ginagawa,” dagdag niya.

Kasalukuyang hawak ni Obiena ang third sport sa men’s pole vault world ranking matapos ang isang historic medal finish sa World Athletics Championships noong Hulyo.