May 16, 2024

MANNY PACQUIAO, PARANG GINAROTE NA KAPAG LALABAN PA SA LONA

Mukhang tagilid si Sen. Manny Pacquiao kung muli umano siyang uupak sa lona. Ayon kay former WBC super featherweight champ Rene Barrientos, makakasama na ito sa ‘Fighting Senator’.


Kung matutuloy na lalaban siya sa December, isa na aniya itong pagpapatiwakal. Kaya, kung sinoman ang nagtutulak sa kanya na lumaban pa, para na ring ginarote ang boxing icon.


Pero, na kay Pacman pa rin ang desisyon kung ano ang gusto niya. Kung lalaban pa o magreretiro na.


“It’s still Pacquiao who will decide his fate,” aniya.

Si Barrientos ay isa sa finest boxer ng bansa. Kasama siya sa pinarangalan noon sa 16th Elorde Awards noong 2016.


“Those who encourages him are literally killing him,” dagdag pa nito.