May 15, 2024

MANNY PACQUIAO: “BOXING CAREER KO, TAPOS NA!”

Masasabing isa si Manny Pacquiao sa mga ‘boxing greats’ sa kasaysayan ng sport na ito. Siya lang kasi ang tanging eight-division boxing champion. Mahirap nang lampasan ang record na ito sa loob ng 26 years niya sa boxing.


Gayunman, bawat karera at may finish line. Nakatakda na kasi siyang magretiro ng opisyal. Ito ang kanyang announcement sa Toni Talks.
“Boxing career ko, tapos na.

“Matagal na rin ako sa pagbo-boxing. Yung pamilya ko, lagi sinasabi na tama na,” ani ng Pambansang Kamao.


Nagtuloy-tuloy lang daw kasi siya kasi passionate siya sa nasabing sport.
“Magsu-support na lang ako ng boksingero para magkaroon tayo ng champion ulit,” sabi pa ng MP Promotions president. Magpo-focus siya sa kanyang kampanya para sa 2022 national elections.


Inihayag niya kasi na tatakbo siyang Pangulo ng bansa.