May 17, 2024

KAI SOTTO, DUMALO SA GET-TOGETHER EVENT NG PINOY COMMUNITY SA ADELAIDE

Nakiisa si Kai Sotto sa isinagawang get-together ng Filipino community sa Adelaide, Australia. Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng Filipino Communities Council in Australia.


Labis naman ang kagalakan ng 19-anyos na cager sa mainit na pagtanggap sa kanya. Bukod dito, nakatanggap din siya ng mga regalo.


“Kai was really happy to be welcomed by our kababayans there,” sabi ng daddy niya na si Ervin Sotto.


“Alam mo naman yung mga Pinoy, nasa dugo natin ang pag-welcome sa mga bisita, aniya.