May 14, 2024

MAJA SALVADOR, HINDI NA MAKAKABALIK SA DATI NIYANG TV NETWORK

Talagang pinagkaisahan si Maja Salvador. Kung kaya, hindi na ito makakabalik pa sa kanyang dating TV network.

Pero, kahit sabihin pang ayaw na sa kanya ang Kapamilya network, hindi pa rin naman sumuko si Maja.

Naging abala siya ngayon sa kanyang itinayong company na Crown Artist Management Inc. Na siya rin mismo ang tumatayong na ngangasiwa sa kanyang showbiz career.

Pero kahit ganoon paman ang naging trato sa kaniya, malaki ang tulong ng ABS-CBN sa kanyang career. Kaya, never niya iyong makalimutan.

Maging sa Star Magic na nag-alaga sa kanya, never siyang nakalimo sa mga taong patuloy na nagtiwala sa kanya.

Malaki ang respeto niya sa mga taong malaki ang naitulong sa kanya, upang maabot ang kinalalagyan ng kanyang showbiz career sa ngayon.

Well, ganyan talaga ang buhay. Need mong magpasya kung mananatili ka o hindi, pero dapat sanang maintindihan ng kanyang tv network na kailangan niyang magtrabaho at mabuhay dahil nasa kalagayan tayo ngayon ng pandamya. MATT GARCIA