April 27, 2024

BROOKLYN NETS, JAMES HARDEN, MAGKAKA-CHAMPIONSHIP RING KAPAG NALAGLAG ANG LAKERS AT CLIPPERS

May mga teams na pumalaot sa 2021 NBA playoffs semis sa East at West series. Una nang bumiyahe ang Milwaukee Bucks matapos walisin ang Miami Heat sa 4-0.

Gayundin ang Brooklyn Nets sa pagpilay sa Boston Celtics sa 4-1 series. Umabanse na rin ang Philadelphia 76ers matapos pipiin ang Wahington Wizards, 4-1.

Pasok na rin ang Utah Jazz pagkatapos katayin ang Memphis Grizzlies, 4-1.

Nagtanong-tanong tayo sa mga kakilala’t mga kaibigan tungkol sa semis. Sa match-up ng Bucks at Nets. Sabi nila, mas lulusot ang Nets dahil sa mga de-kalibreng players.

Matatapos ang serye sa 4-1 o 4-2. Sa Philadelhia naman at Hawks, lamang ang 76ers. Wawalisin anila ng 76ers ang Hawks sa 4-1 series.

Kung katatatapat naman ng Utah ang Dallas, magandang match-up ito. Gayundin ang Clippers. Pero, marami ang gustong makapasok ang Mavericks.

Kung si papalarin ang dalawang LA teams, sigurado raw an Utah sa Western Conference Finals. At malalang ang makalaban nila ay Denver.

Kung makalulust naman ang Lakers sa Phoenix, may tulog sila. Magpapatalo raw ba si LeBron? Gaya n sinasbai natin, unpredictible na ang playofs. Dahil may ibang teams na nananalo sa di nila homecourt kaysa sa homecourt.

Gaya nang nangyayari sa Clippers, Lakers at Dallas.

Kung makalulusot ang Nets sa Eastern Conference playoffs, sigurado na raw ang pagpasok nila sa NBA finals.

Yan ay kung malalagalag ang Lakers at Clippers. At least may isang James na magkakampeon sa katauhan ni James Harden.

Well, abangan na lang natin ang susunod na kabanata.