May 19, 2024

GLYDEL MERCADO, TODONG SAMPAL IGINAWAD SA SIKAT NA YOUNG ACTRESS

Grabe pala si Ms. Glydel Mercado, talagang wala siyang awa sa sampalang eksena.

Basta sa ikagaganda ng mga eksena ng teleseryeng ‘Sana Maulit Muli, kasihudang makasakit siya o siya ang masaktan. Iba talaga ang atake ni Glydel.

May go signal naman ng director ang mga ginagawa namin, isa pa kasama talaga iyon sa istorya.

Hindi naman sila nagiibento lang ng eksena, kung ano iyong nasa script, dapat lang na masunod.

Halos lahat naman kami ng mga artista kahit kami ang makasakit o kami ang masaktan, lumabas lang na makatotohan okay sa amin iyon.,” sambit ni Glydel.

That time kasi baguhan pa lamang iyong young actress na naka-eksena ko, nalulungkot ako na ganoon pala iyong naranasan niya sa akin.

Pero kung sumuko siya, malamang hindi niya aabutin ang kinalalagyan niya ngayon. Mahusay na siyang actress, at bongga na ang career niya pagdating sa mga teleserye.

Lahat naman kaming mga artista lalo na kapag baguhan ka, dumadaan sa ganoong sitwasyon. Pero pasalamat ako dahil naging hamon sa kanya iyon, at ngayon ay mahusay na rin siyang actress pagdating sa mga teleserye ang pag-uusapan,” pahayag pa ni Glydel Mercado. MATT GARCIA