May 19, 2024

DIGITAL CONCERT NI KYLE ECHARRI, MAGSISILBING BIRTHDAY FAN CONFERENCE PARA SA KANYANG MGA SUPPORTERS

Magdiriwang si Kyle Echarri ng kanyang kaarawan sa darating na June 20, araw ng Linggo. He’s turning 18 years old.

At sa kanyang nalalapit na kaarawan, ipagdiriwang niya ito sa pamamagiutan ng isang Digital Concert na magsisilbing Birthday Fan Conference na kanyang handog para sa kanyang mga tagahanga.

Excited na ako sa kauna-unahang digital concert ko na gaganapin sa June 18. ang Magsisilbi itong birthday fan conference ko para sa aking mga tagahanga at aking mga supporters na walang sawang tumatangkilik sa aking showbiz career,” ani Kyle.

“Nagpapasalamat ako sa malaking tulong at tiwala sa akin ng Dreamscape. Dahil iyong suportang ibinigay nila sa akin. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. “

Sila bali ang talagang tumulong sa amin para mapatatag ang Gold Squad na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin at ako.”

Hindi nga nila sukat akalain na aabot sila ng two years. Marami talaga ang nag click, like and share sa kanilang gold squad.

Dahil dun, patuloy kaming nagiging inspirasyon para sa ating mga kapwa kabataan. Na patuloy na gumaganap na maging magandang halimbawa sa aming mga fans,” pagtatapos pa ni Kyle Echarri.

MATT GARCIA