Mahigit 1,100 pamilya ang nawalan ng bahay matapos lamunin ng apoy ang isang mataong residential area sa Happyland, Tondo, Sabado ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog pasado alas-8:28 ng gabi sa mga gusali 7 at 8 ng Barangay 105 at umabot sa Task Force Bravo.
Idineklarang kontrolado ang apoy alas-2:46 ng madaling-araw at tuluyang naapula alas-6:01 ng Linggo.
Kabuuang 1,146 pamilya ang naapektuhan at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Barangay 105 Covered Court, Vicente Lim Elementary School, Barangay 101 Covered Court, at Antonio Villegas High School.
Sa ulat ng BFP, wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa insidente.Patuloy pa ang imbestigasyon ng arson division upang matukoy ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsalang idinulot nito. (ARSENIO TAN)
