Bumuhos ang dalamhati at pagpupugay mula sa buong mundo ng boksing matapos pumanaw ang dating world champion na si Ricky “The Hitman” Hatton, 46-anyos, na natagpuang wala nang buhay sa kanyang tahanan sa Greater Manchester nitong Linggo.
“Today we lost not only one of Britain’s greatest boxers, but a friend, a mentor, a warrior,” pahayag ng dating kampeon na si Amir Khan, na inalala si Hatton bilang inspirasyon ng kanyang karera.
Maging si Ellie Scotney, unified super-bantamweight champion, ay nagbigay pugay sa X (dating Twitter).
“Like many he was one of my first introductions into boxing. What the Hitman did for not just British Boxing but boxing in general will forever live on,” aniya.
Sa loob ng kanyang 15-taong karera, nanalo si Hatton sa 45 sa kanyang 48 laban, nakaharap ang ilang pinakatanyag na mandirigma ng kanyang henerasyon tulad nina Kostya Tszyu, Floyd Mayweather Jr., at Manny Pacquiao. Huli siyang lumaban noong 2012.
Maliban sa kanyang tapang sa ring, minahal siya ng fans dahil sa kanyang kababaang-loob, pagpapatawa, at pagiging malapit sa tao. Isang tapat na Manchester City supporter, binigyan siya ng club ng “minute of appreciation” sa kanilang derby laban sa Manchester United.
Marami ring fans ang nagbahagi ng personal na alaala.
“I vividly remember staying up late, on my own at home, to watch his fight with Floyd Mayweather, and crying when he got KO’d,” ayon kay Paul Storr mula Leeds. “It sounds weird, but I’ll miss him so much. God bless you Rick and thank you for the memories,” dagdag pa niya.
