May 19, 2024

MAGSAYO, BINISITA NI MAYWEATHER SR SA WILD CARD GYM

Nakatataba ng puso kay Pinoy boxer Mark ‘Magnifico’ Magsayo ang ginawang pagbisita sa kanya ng isang sikat na trainer. Ito ay sa katauhan ni Floyd Mayweather Sr.


Nagsasanay si Magsayo sa Wild Card Gym para sa kanyang nakatakdang laban. Inaasahang makakasagupa nito si WBC featherweight champion Gary Russell Jr, 33-anyos ng US.


Bagama’t nagalak si Magsayo, may ilang fans naman ang nagtaas ng kilay. Bakit daw aniya dumalaw ang tatay ni Floyd Mayweather Jr? Ano raw ang dahilan nito? May ilan namang masaya sa natanggap na suporta ng tubong Tagbiliran City Bohol pug. Patunay daw ito na nakukuha na niya ang atensyon ng mga de-kalibreng trainers. Ibig sabihin, hanga sila sa husay ni Magsayo.