May 18, 2024

CRISTIANO RONALDO, NANG-RAPED NG TITSER

Nagulantang ang mga football fans ni Cristiano Ronaldo sa iskandalong kinasangkutan nito. Nasadlak sa kontrobersiya ang football superstar nang ihayag ng isang titser na si Kathryn Mayorga sa German news outlet, na ang dating Real Madrid star ay puwersahang inilugso ang kanyang puri. Nangyari umano ito noong 2009.

Aniya, nangyari ang panghahalay sa kanya ni Ronaldo sa isang hotel sa Las Vegas. Dahil sa insidente, sinabi ni Mayorga na nakikipag-areglo umano si Ronaldo sa ginawa nitong pangri-raped sa kanya. Kapalit ng kanyang pananahimik sa isyu.

Gayunman, hindi nakatiis ang titser. Lumantad siya sa publiko at inihayag ang ginawa sa kanya ng Portuguese Juventud star at nahaharap sa posibleng bayad-danyos na $375,000.

Gayunman, lahat ng akusasyon ni Mayorga at sinabing ang nangyaring sex sa pagitan nila ay kapwa nila ginusto. Gayunman, muling binuksan ng otoridad ang imbestigasyon tungkol sa insidente.