NAGBITIW na sa kanyang posisyon si Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong bilang Special Adviser ng Independent Commission for Infrastructure matapos umano’y ma-undermine ang kanyang mandato dahil sa mga pahayag ng Palasyo.
Sa kanyang resignation letter na naka-address kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at may petsang Setyembre 26, 2025, iginiit ni Magalong na ang mga anunsyo mula sa Malacañang na taliwas sa kanyang appointment ay nagdulot ng pagdududa sa kalayaan at integridad ng komisyon.
“Combined with circumstances that already cast doubt on the independence of the Independent Commission for Infrastructure, it has become clear that my continued service is no longer tenable,” pahayag ni Magalong.
Binigyang-diin din niya na hindi niya pinabayaan, at hindi niya pababayaan, ang kanyang pangunahing tungkulin sa mga mamamayan ng Baguio, na nananatiling sentro ng kanyang paglilingkod-bayan.
Epektibo agad ang pagbibitiw ni Magalong.
