BAGUIO CITY – Isang chilling revelation ang ibinulgar ni Mayor Benjamin Magalong tungkol sa umano’y malawakang korapsyon sa mga infrastructure project ng gobyerno—na tila mas organisado pa sa sindikato.
Sa panayam ng One News, sinabi ni Magalong na ang sistemang ito ay “beyond one’s imagination,” kung saan ilang mambabatas at kontratista ay nagsasabwatan para palsipikahin ang bidding at maghatian ng kickback mula sa pondo ng bayan.
‘Anatomy of Corruption’ ayon kay Magalong:
35%-40% – Kickback ng mga politiko
15% – Para sa contractor
10% – Implementing agency
30% – Aktwal na proyekto
5% – Iba pa
“Kakaiba ang level ng corruption ngayon,” ani Magalong.
Ayon sa alkalde, ang karaniwang ‘cut’ na napupunta umano sa ilang mambabatas ay nasa 35% hanggang 40%, dahilan kung bakit madalas substandard ang mga proyekto at palaging delay ang serbisyo.
Ipinahayag din ni Magalong ang kanyang suporta sa panukalang batas ni Senate President Chiz Escudero na ipagbawal ang pagkontrata ng mga kamag-anak ng opisyal (hanggang ika-apat na antas) sa mga proyektong pinopondohan ng gobyerno.
“Matagal na dapat itong batas na ‘to… Hindi lang dapat ipinapanukala, kailangan itong maipatupad,” giit ni Magalong.
Layunin ng panukalang ito na puksain ang conflict of interest na matagal nang problema sa procurement system ng gobyerno.
