Tatlo katao ang nasawi habang apat iba pa ang sugatan matapos ang malagim na aksidente sa Sumulong Highway, sa harap ng Victory Oil, Brgy. Dela Paz, ngayong Nobyembre 25, 2025, bandang 6:45 ng umaga.
Ayon sa Antipolo City Police, nawalan ng preno ang dump truck habang bumabiyahe sa Sumulong Highway, dahilan upang mabangga nito ang isa pang truck sa harap nito.
Pagkatapos, tumama ang dalawang truck sa tatlong motorsiklo at dalawang SUV, bago mabangga ang isang traffic light at poste ng kuryente.
Tatlo sa mga biktima, kabilang ang driver ng dump truck, ay agad dinala sa iba’t ibang ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, ang apat pang sugatan ay kasalukuyang nasa stable condition.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente at ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga sasakyan. (Arnold Pajaron Jr)
